Impounding Area ng PNP HPG puno na pero operasyon kontra traffic violations tuloy tuloy

Dahil sa dami ng mga sasakyan na  naiimpound araw araw, napuno na ang impounding area ng PNP Highway Patrol Group  ng mga sasakyan.

Ayon kay Police Brig Gen. Eliseo Cruz Director ng PNP HPG , may mahigit na 600 mga sasakyan na silang na-impound mula sa iba’t iba nilang operation.

Ito bay dahil sa iba’t ibang uri ng paglabag sa batas trapiko.


Kasama na rito ang walang plaka, walang OR/CR, walang lisensya ang mga driver at iba pa.

Dahil dito sinabi ni Cruz, na naghanap sila ng iba pang impounding area sa San Pedro, Laguna kung saan ipinadadala ngayon ang mga sasakyan na matagal nang nakaimbak sa Camp Crame at hindi tinutubos ng mga may-ari.

Sa araw na ito ay mga HPG Women Riders na mga tauhan ni PCOL Wilson Doromal ng HPG-NCRPO ang itinalagang nagsita kanina sa mga Gate ng Camp Crame.

Ito ay bilang pagkilala umano sa kakayahan at Kontribusyon ng mga kababaihan kasabay ng Women’s Month Celebration ngayong Buwan ng Marso.

Facebook Comments