Imprastruktura, edukasyon, at digitalization, palalakasin pa ng pamahalaan para makaahon ang Pilipinas bilang lower-middle income country

Palalakasin pa ng pamahalaan ang macro-economic foundation para makaangat ang Pilipinas at maihanay sa upper-middle income country.

Ito ang tiniyak ng Palasyo kasunod ng inilabas na ulat ng World Bank, kung saan nananatili ang Pilipinas bilang isang “lower middle-income country.”

Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro, ipagpapatuloy ng administrasyon ang reporma sa infrastructure, edukasyon, at digitalization upang makaahon ang Pilipinas sa kasalukuyang kategorya.

Sabi ni Castro, aminado naman sila na hindi pa nakakamit ng bansa ang estado ng pagiging upper middle-income country, kahit pa gumanda na ang ekonomiya ng bansa, dahil sa pagtaas ng gross national income per capita ng Pilipinas mula noong nakaraang taon.

Sa kabila nito, pagsisikapan aniya ng gobyerno na umangat pa ang ekonomiya at kalidad ng buhay ng mga Pilipino sa loob ng natitirang tatlong taon ng Marcos administration.

Facebook Comments