Imprenta ng defective ballots, nangyayari pa rin hanggang ngayon

Aminado si Commission on Elections (COMELEC) Commissioner George Garcia na hanggang ngayon ay mayroon pa ring naiimprentang defective ballots.

Sa pagdinig ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms, inamin ni Garcia na mula Enero nang madiskubre ang mga depektibong balota at hanggang sa ngayon ay may mangilan-ngilan pa ring balota na mali ang pagkakaimprenta.

Aniya, hindi lang ang ilang balotang may depekto ang nagiging problema kundi pati na rin ang buong batch ng balota na naprint.


Tinukoy naman ni Committee Vice Chairman Elpidio Barzaga na nakikita na pala ng COMELEC na may problema sa printing ng balota ay hindi pa naabisuhan dito ang mga observers kaya naman duda tuloy ang publiko sa kawastuhan ng mga printed ballots.

Hindi rin kinagat ni Barzaga ang katwiran ng COMELEC na dahil sa mahigpit na restrictions dulot ng pandemya kaya hindi naimbitahan ang mga observers sa pag-imprenta ng balota.

Ngayong Huwebes ay magsasagawa naman ang COMELEC ng “random sampling of ballots” kung saan imbitado na ang mga observers ng bawat political parties.

Facebook Comments