IMPROVISED FIREARM | Bata, patay matapos aksidenteng mabaril ng kanyang pinsan sa Cebu

Cebu City – Paalala sa mga magulang, bantayang mabuti ang inyong mga anak, sa Cebu City, patay ang isang tatlong taong gulang na babae matapos na aksidenteng nabaril ng 12-anyos niyang pinsan sa Barangay Adlaon.

Tinamaan ang bata sa kanyang dibdib ng balang holen mula sa improvised na baril.

Pag-aari ng kanilang lolo ang baril na ginagamit daw na panakot sa mga hayop.


Hindi naman magsasampa ng kaso ang pamilya ng biktima dahil hindi naman anila sinasadya ang insidente.

Isasailalim sa stress debriefing ang 12-anyos na lalaki.

Facebook Comments