Improvised floating oil spill booms, inilagay ng PNP Maritime Group sa Oriental Mindoro

Tumulong narin maging ang Philippine National Police (PNP) sa pag-contain ng oil spill mula sa lumubog na MT Princess Empress sa Oriental Mindoro.

Sa katunayan, naglagay ang mga tauhan ng Regional Maritime Unit (RMU) 4B ng improvised floating oil spill booms sa katubigang sakop ng Oriental, Mindoro.

Ayon kay RMU 4B Chief PMaj. Don Archie Suspeñe, nagsimula ang paglalagay nila ng mga improvised floating oil spill booms nuong March 9 kung saan yari ang mga ito mula sa net at hay.


Sinabi pa ni Suspeñe na noon namang March 11 ay nailagay ang nasabing improvised floating oil spill boom na may habang 60 metro sa Pola, Oriental Mindoro River.

Malaking tulong aniya ito upang mapigilang mapasok ng langis ang mangrove area gayundin ang mga fishpond.

Maliban dito, naglagay rin ng isa pang improvised oil spill boom ang PNP Maritime Group sa Bansud, Oriental Mindoro na tinatayang nasa 300 metro ang haba.

Facebook Comments