IMPROVISED SHOTGUN | Pedicab driver, arestado matapos mahulihan ng sumpak

Manila, Philippines – Arestado ang isang pedicab driver matapos mahulihan ng sumpak sa Moriones Street, Tondo Manila.
Sa report ng Manila Police District, nagsagawa ng anti-criminality operation ang kanilang
mga operatiba nang matyempuhan ang suspek na si Ramil tanada na may hawak na improvised shotgun.
Sinubukan pang tumakas ng suspek matapos makita ang mga pulis pero nakorner pa rin ito at hindi na nakapalag pa.
Kasalukuyang iniimbestigahan ang suspek at inaalam na din kung sangkot ito sa iba’t-ibang krimen na nagaganap sa tondo.

Facebook Comments