Nagsilbing breeding ground sa pagtaas ng extrajudicial killings at human rights violation ang impunity o kawalan ng parusa sa mga salarin sa ilalim ng drug war ng administrasyong Duterte.
Ayon sa ulat ng Amnesty International, karamihan sa mga biktima ng mga pagpatay, ilegal na pag-aresto at pagkakulong, at harassment ay ang mga human rights defender, political activist, at mga pulitiko.
Naging dahilan rin ang kawalan ng pananagutan o accountability sa pagtaas ng kaso ng mga paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng kampanya ng gobyerno kontra droga.
Bukod dito ay naging target din ng pag-atake ng mga otoridad at salarin ang mga katutubo habang tumaas naman ang kakulangan ng access sa healthcare dahil sa COVID-19.
Samantala, ikinalungkot din ng Amnesty International ang pagsusuri ng Department of Justice (DOJ) na 52 lamang ang naitalang kaso mula sa libu-libong kaso ng pagpatay na kinasasangkutan ng mga kapulisan sa anti-drug operation ng kasalukuyang administrasyon.