Nagpapatuloy ang proactive approaches ng International Monitoring Team (IMT), GPH-MILF Coordinating Committee on the Cessation of Hostilities (GPH-MILF CCCH) at Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) upang masiguro na mananatiling intact ang ceasefire mechanism sa kabila ng pagkakaroon ng peace spoilers.
Sa isang pulong-balitaan sa IMT Headquarters dito sa Cotabato City, muling inihayag ni OPAPP Asec. Dickson Hermoso na ang MILF ay tumulong sa gobyerno sa pagsagip sa mga na-trap na mga sibilyan sa Marawi City at umayuda na i-secure ang humanitarian aid na pumapasok sa Malabang – Marawi road sa pamamagitan ng peace corridor na pinangasiwaan ng Joint Coordination, Monitoring and Assistance Center (JCMAC).
Sinabi namani ni GPH CCCH at 6th Infantry Division current Assistant Division Commander BGen. Earl Baliao, ang GPH at MILF-CCCH ay mataman ang koordinasyon upang ayudahan ang Armed Forces of the Philippines at MILF sa pagtugis sa ISIS-inspired group sa Maguindanao.
Sa panig naman ng IMT, tiniyak sa publiko ni head of mission Maj. General Datuk Masrani Bin Paiman na ang IMT ay committed sa mandato nito na tumulong na ma-sustain ang ceasefire mechanism sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at MILF.
IMT, tiniyak na intact ang GPH-MILF ceasefire!
Facebook Comments