IMUMUNGKAHI | Sister Patricia Fox, balak umapela sa DOJ

Manila, Philippines – Iaapela ng kampo ni Australian nun na si Sister Patricia Fox sa Department of Justice (DOJ) ang desisyon ng Bureau of Immigration (BI) na i-revoke ang visa at paalisin ito sa Pilipinas.

Ayon sa mga abugado ni Fox na sina Jobert Pahilga at Maria Sol Taule, kahit na sinabi ng BI na final at executory ang kautusan, maghahain pa rin sila ng apela kay Justice Secretary Menardo Guevarra

Anila, sa ilalim ng rules of procedure ng BI, magiging final at executory lamang ang kautusang kanselahin ang visa ng isang tao 15 araw mula matanggap ito ng respondent.

Muli ring nanindigan ang kampo ni Sister Fox na hindi ito nakiisa sa kahit anumang political activity sa bansa.

Tanging assembly lang anila ng mga magsasaka at indigenous peoples ang sinasamahan nito para protektahan ang karapatan ng mga mahihirap at nangangailangan.

Facebook Comments