Imus, Cavite Police Station, may bago ng hepe matapos masibak sa pwesto ang 9 na pulis na dawit sa kwestyunableng drug operations

Nagtalaga ang Cavite Police ng bagong pinuno ng Imus Police Station sa katauhan ni Police Lt.Col. Jack Angog.

Ito’y matapos alisin sa pwesto kahapon ang hepe ng Imus Police Station na si Police Lt. Col. Michael Batoctoy at walo nitong mga tauhan na nasangkot sa kwestyunableng drug operations nitong August 2.

Sa report ni Cavite Police Provincial Director Chris Olazo sa Kampo Krame, patuloy ang kanilang imbestigasyon sa ginawa ng mga pulis sa viral video na naka-upload sa social media.


Pagtitiyak ni Olazo, hindi niya kukunsintehin ang anumang pagkakamali ng kanyang mga tauhan at papanagutin ang mga sangkot sa kwestyonableng operasyon.

Samantala, sinabi naman ni Olazo na pinagpapaliwanag na niya ang mga pulis na sangkot sa kontrobersya at pina-recall na rin ang kanilang mga baril.

Facebook Comments