IN 6 MONTHS | Obese na estudyante sa China, tinanghal bilang regional bodybuilding champion

China – Pinatunayan ng isang 22 anyos na estudyante sa China na hangga’t may buhay may pag-asa.

Ito ay matapos niyang i-develop ang kanyang sarili mula sa isang obese tungo sa isang champion body builder sa loob lang ng anim na buwan.

Sabi ni Zhang Shuai, strict diet at exercise lang ang kanyang sikreto para makamit ang inaasam-asam na katawan.


Kwento pa ni Zhang, dati siyang basketball star sa kanilang paaralan pero dahil sa isang aksidente ay naiwala niya ang pagme-maintain sa kanyang figure hanggang sa tuluyan siyang maging obese.

Pero hindi ito hinayaan ni Zhang at nagsimula ng pagbabago sa kanyang sarili.

Sa loob lang ng anim na buwan ay nabawasan ng 30 kilos si Zhang at ang mga dating nakalaylay na fats ay naging bato-batong muscles na.

Facebook Comments