In-court proceedings, papayagan na ng Supreme Court simula sa Nobyembre 2

Pinayagan na ng Supreme Court ang pagsasagaw ng in-court proceedings sa lahat ng appellate collegiate courts sa National Capital Region.

Ito ay simula Nobyembre 2 hanggang Nobyembre 5.

Ayon sa Supreme Court, ang mga pagdinig na maikokonsiderang ‘of urgent matters’ ay pinapayagang magsagawa ng in-court proceedings, kung tutukuyin ng presiding justice o chairperson.


Pero ayon SC sa administrative circular, mananatili pa ring limitado ang attendance sa mga abogado, partido ng mga may kinalmaan sa kaso, at mga witness.

Ang mga nais naman na mag obserba pero hindi required na nasa korte, ay maaaring panoorin ang video conferencing.

Sa kasalukuyan, nananatili pa rin sa 30 percent ang maximum capacity ng lahat ng korte at opisina, at mananatili pa rin nasa skeletal workforce.

Facebook Comments