IN DEMAND PA RIN | Kris Aquino, tinagurian ngayong “Queen of Online World and Social Media”

Manila, Philippines – Mula sa pagiging Queen of All Media, tinagurian ngayong “Queen of Online World and Social Media” si Kris Aquino.

Kasunod ito ng pamamayagpag niya sa social media kung saan nananatili niyang in demand bilang celebrity endorser.

Sa interview ng People Asia Magazine, ibinahagi rin ni Kris ang tunay na dahilan ng hindi niya pagpirma muli ng kontrata sa dati niyang mother station.


Say niya, dahil daw ito sa banta sa kanilang buhay mula sa teroristang Abu Sayyaf Group noong 2016.

Dahil dito, pansamantala siyang nanahimik sa kanyang TV career hanggang sa pasukin niya ang online world kung saan hindi naman siya nabigo.

Facebook Comments