Manila, Philippines – Marami ang napahanga sa naging mensahe ni Megastar Sharon Cuneta sa kaniyang instagram hinggil sa pagmamahal na ipinaparamdam ng kaniyang mister na si Senador Kiko Pangilinan.
Sa kanyang post, inilahad ni Sharon kung paano ipinaparamdam ng asawa pati na ang kanilang mga anak na sina Frankie, Miel, at Miguel ang pagmamahal sa kanya.
Mas lalo daw niyang naramdaman ang pagmamahal ng mister matapos siyang maoperahan upang tanggalin ang lipoma sa kanyang batok.
Bukod dito, ipinagtanggol din ni Mega Star si Senador Kiko mula sa mga kritiko.
Sa huli, sinabi ni Sharon na marami ang nangakong mamahalin siya habambuhay, pero si Kiko lamang daw ang tumupad nito.
Facebook Comments