‘IN YOUR DREAMS’ | PSG Commander General Lope Dagoy, hindi hihingi ng paumanhin sa Rappler

Manila, Philippines – Pumalag si Presidential Security Group Commander Brigadier General Lope Dagoy sa demand ng Rappler na dapat ay humingi ito ng paumanhin sa kanilang reporter na si Pia Ranada.

Sa inilabas na pahayag ni Dagoy ay sinabi nito na ang Rappler ang dapat humingi ng paumanhin sa kanyang sundalo dahil sa pambabastos na ginawa nito kahapon at ‘in their dreams’ pa aniya na siya ang hihingi ng paumanhin.

Binigyang diin ni Dagoy na ngayon ay nakikita ang pagiging selective ng Rappler sa pagtuturo ng kasalanan sa kanya nang hindi inilalabas ang buong katotohanan.


Kaya naman hinamon nito ang Rappler na ipakita ang buong video sa publiko at ito ang dapat magpasiya kung sino ang gumawa ng mali.

Ipinupunto ni Dagoy ang pagpili ng Rappler sa bahagi ng insidente kung saan lumalabas na masama ang PSG matapos nitong hindi papasukin ang rappler reporter sa malacanang bilang pagsunod sa isang kautusan.

Dismayado din naman si Dagoy sa mababang standard ng Rappler sa kanilang pagbabalita.

Facebook Comments