Ina na miembro ng 4Ps patay ng mahulog sa motorsiklo

Patay ang isang ina ng tahanan matapos mahulog sa sinasakyan nitong habal-habal na motorsiklo sa provincial road ng barangay Tapodok, sa bayan ng Aleosan, North Cotabato dakong ala una y medya ng hapon kahapon.
Kinilala ang biktima na si Langkamanis Sansawi, 33 anyos, may asawa, miembro ng Pantawid, Pamilyang , Pilipino, Pragram o 4Ps at residente ng Barangay Punol sa bayan ng Pikit North Cotabato.
Sakay ang biktima sa habal habal na Bajaj CT100 kulay itim na may plakang KA 10769 na minamaneho ni Datuan Abdul, 17 anyos, na residente ng barangay Punol, Pikit, Cotabato.
Ayon sa salaysay ng kasama ng biktima na si Norma Kakan, 32 anyos, pinsan din ng asawa ng biktima, galing umano sila ng bayan ng Midsayap at kinuha ang kanilang 4Ps allowance sa nasabing bayan at ng papauwi na sila at habang binabaybay ang provincial road ng barangay Tapodok, Aleosan, ay biglang lumukso ang biktima, dahil sa nakitang aso na tumawid sa naturang kalsada. Akala ng biktima ay hindi kayanin ng driver na umiwas sa nasabing aso, nadala pa ng biktima sa kanyang pagkahulog si Norma, subalit hindi naman napuruan at nagkaroon lang ng sugat sa kaliwang kamay at sa mukha at agad din pinalabas sa pagamutan.
Ayon sa salaysay ni BimBim Bilang, asawa ng biktima nagkausap sila kanyang misis bago umalis at kunin ang laman ng kanilang 4 Ps na siya muna ang maiiwan sa bahay. Hindi inakala ni BimBim na iyon na pala ang kanilang huling pag usap ng asawa.(with report from Jessy Ali)

Facebook Comments