Ina, nabaril ang anak nang surpresahin siya nito

Aksidenteng nabaril ng isang ginang mula Girard Ohio, USA ang kanyang 18-anyos anak matapos masurpresa sa biglaan nitong pagbisita nitong Miyerkules.

Ayon sa pulisya, nag-iisa lang daw ang ginang sa bahay nang makarinig ito ng ingay mula sa kusina bandang alas 9 ng gabi.

Pahayag ng ina ng biktima, inakala raw niyang may kung sinong naghimasok sa kanilang bahay kaya bigla itong nagpaputok ng baril.


Paliwanag niya, hindi naman raw nagsabi ang anak na nag-aaral sa kolehiyo na ito ay bibisita.

Samantala ayon naman sa awtoridad, .38 ‘special handgun’ ang ginamit na baril ng ina at lisensyado raw ito.

Kasalukuyan namang nagpapagaling ang biktima matapos tuluyang mailabas ng ospital.

Payo naman ng pulisya na kung mayroong may baril sa tahanan, magsabi agad kung papasok ng bahay at ipagbigay-alam agad ito sa mga kasamahan ng tahanan.

Facebook Comments