Nanindigan ang ina ng batang survivor sa Sagay Massacre na nalabag ng mga respondents na pulis ang ilang karapatan ng kanyan anak.
Ayon sa ina ng bata, inamin mismo ng mga pulis ang kanilang pagkakamali base sa nakasaad sa kanilang counter-affidavit at supplemental counter-affidavit.
Partikular aniya ang pag-amin ng respondents sa kanilang pagsisinungaling sa kanilang statement sa insidente at nang pilitin ang bata na magsinungaling sa korte hinggil sa tunay na salarin sa pagpapatay sa mga miyembro ng National Federation of Sugar Workers sa Sagay.
Si Sagay PNP Chief, Chief Inspector Robert Mansueto,SPO1 Julie Ann Diaz at PO1 Christine Magpusao ay sinampahan ng reklamo sa DOJ ng ina ng Child Survivor , ng Child Abuse ang rule on handling child witness.
Nagsampa din ng reklamo sa DOJ ang ina ng bata laban sa kanyang dating mister ng violence against women and children dahil sa patuloy na pananakot at panggigipit sa kanilang mag-ina
Naghain na rin ng reply Affidavit sa DOJ ang ina ng batang survivor.