Ina ng biktima ng hazing, nanawagan sa iba pang suspek na sangkot sa pagkamatay ng kanyang anak na sumuko na

Nakabalik na sa bansa ang ina ng criminology student na biktima ng hazing na si Aldryn Bravante.

Mag-aalas-12:00 ng tanghali kanina nang lumabas sa arrival area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang nanay ni Aldryn na si Cherryl Bravante.

Ayon kay Atty. Melanie Quiño, deputy administrator ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), galing ang nanay ni Aldryn sa Oman at napilitan lamang umuwi dahil sa sinapit ng anak.


Naging emosyonal naman ang ina ng biktima nang tanungin kaugnay ng reaksyon sa sinapit ng anak.

Panawagan naman ni Sheryl na sumuko na ang iba pang suspek na sangkot sa krimen.

Nanawagan ito ng hustisya sa pagkamatay ng 4th year criminology student.

Facebook Comments