Manila, Philippines – Nagsampa ng reklamo sa DOJ si Ginang Norma Gotoc, ang ina ng doktor na sinasabing namatay matapos maturukan ng Dengvaxia anti-dengue vaccine.
Kabilang sa mga inireklamo ng ina ni Dr. Kendrick Gotoc sina Health Sec. Francisco Duque III, dating DOH Sec. Janette Garin at tatlumpu’t pitong iba pang respondents.
Kasong obstruction of justice, reckless imprudence resulting in homicide, torture at paglabag sa Consumer Act ang isinampa ni Ginang Gotoc laban sa naturang respondents.
Si Dr. Gotoc ay nakatalaga sa Rural Health Unit (RHU) sa Quezon City at tatlong beses siyang naturukan ng Dengvaxia bilang requirement sa serbisyo.
Facebook Comments