Ina ng isa sa mga suspek sa pagkamatay ni Horacio, posibleng kasuhan dahil sa pagtulong nito sa anak na makalabas ng bansa

Manila, Philippines – Posibleng kasuhan na ng Department of Justice (DOJ) ang ina ni Ralph Trangia dahil sa pagtulong nito sa kanyang anak na makatakas palabas ng bansa.
Si Trangia ang isa sa mga itinuturong suspek sa pagkamatay ng first year law student na si Horacio Castillo III.
Sa interview ng RMN Manila kay Manila Police District Supt. Erwin Margarejo, maaring kasuhan ng obstruction of justice ang ina ni Ralph dahil sa ginawa nito.
Ayon kay Margarejo nakikipag-ugnayan na ang kanilang himpilan sa Bureau of Immigration (BI) para makahingi ng certification upang magamit na supplementary evidence sa mag-ina.
Kahapon sa nakuhang CCTV footage ng MPD galing mula sa Ninoy International Airport terminal 1 ganap na 1:53am naitala ang pag-alis ng mag-inang Trangia na patungong Chicago.

Facebook Comments