Ina ng isang estudyante na nirecruit ng militanteng grupo, umiiyak na nakiusap sa militant partylist groups na pauwiin na ang kanyang anak

Sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs ay lumuluhang nakiusap sa mga militanteng partylist groups si Ginang Relisa Lucena na ibalik na ang nirecruit niyang anak na si Alicia Lucena.

Ang 18-anyos na si Alicia ay ipinrisinta kanina sa kamara ng mga kinatawan ng militanteng partylist groups upang patunayan na hindi ito dinukot at nawawala at sa halip ay kusa itong sumama sa grupong Anakbayan.

Giit ni Ginang Lucena, silang mga magulang ang dapat kasama ng kaniyang anak at hindi ang mlitanteng grupo.


Pagmamakaawa ni Ginang Lucena sa mga kinauukulang kongresista, huwag gamitin ang anak at sa halip ay ibigay na ito sa kanya upang maalagaan niya at maprotektahan.

Diin ni Ginang Lucena, nais niya na maipagpatuloy ng kanyang anak ang pag-aaral upang magkaroon ito ng maayos na buhay.

Si Alicia ay estudyante ng Far Eastern University na tuluyan nang lumayas sa kanilang bahay at sumama sa grupong Anakbayan.

Facebook Comments