Ina ng Maute brothers at sampung iba pa, kinasuhan na ng rebelyon sa Korte Suprema

Marawi City, Philippines – Sinampahan na ng kasong rebelyon ng Department of Justice (DOJ) ang ina ng magkapatid na Maute kaugnay ng gulo sa Marawi City.

Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II – kinasuhan si Farhana Maute sa Misamis Oriental Regional Trial Court.

Bukod sa kanya, kabilang rin sa kinasuhan si dating Marawi City Mayor Fajad Salic at siyam na iba.


Isinampa ang kaso makaraang makitaan ng DOJ prosecutors ng probable cause ang mga akusado ng pakikipagsabwatan sa ISIS-inspired Maute Group sa pagsasagawa ng rebelyon laban sa gobyerno.

Sa ngayon, wala pa umanong ideya si Aguirre kung kaninong hukom nai-raffle ang kaso.
DZXL558

Facebook Comments