Tuguegarao City, Cagayan – Ipinaabot ng isang ginang ang kanyang todo pasalamat sa naging tulong ng mga perimeter guards ng SM Tuguegarao Downtown matapos mahanap ang nawawala niyang anak.
Kasabay nito ay kinilala din ng pamunuan ng naturang establisyemento ang ginawang kagandahang loob ng kanilang mga security guards at binigyan diin ang kabutihang asal na ipinakita ng mga ito.
Magugunita na noong Disyembre 29, 2017 ay nawawala ang isang 17 anyos na bata na residente sa kadikit barangay na Ugac Norte, Tuguegarao City. Napag alaman din na ang bata ay isang special child.
Nang di pa makita ang bata ay lumapit ang kanyang kapatid na si Ginoong Abreigh Keith Abella sa mga perimeter guards ng SM upang humingi ng tulong sa kanilang hinahanap na kaanak.
Nagbakasalkali ito yaman din lang at malapit lang ang naturang establisyemento sa kanilang residente.Nag-iwan ito ng larawan ng kanyang noon ay nawawalang kapatid.
Noong madaling araw ng Enero 1, 2018 bandang 5:00 ng umaga ay nakita ng mga nagroroving na mga perimeter guards na sina Pablo Pabon at Jay-ar Simangan ng Sagitarius Security Agency ang isang pagala-gala na binatilyo na nakasuot ng maruming damit.
Nilapitan nila at agad inabutan ng tinapay at kape ang bata at nang makumpirma ang pagkakakilanlan nito ay ipinagbigay alam ito sa mga kamag-anak.
Laking tuwa ng kapamilya ng 17 anyos na bata nang makita ulit ang kanilang kamag-anak.
Ayon sa ina ng bata na si Ginang Juana Nobleza, matindi ang kanilang pinagdaanang pagaalala nang mawala ang kanyang anak na may karamdamang TB Meningitis CNS.
Ipinaabot ni Ginang Nobleza ang kanyang pasasalamat kahapon ng Enero 10, 2018.
Ayon naman sa ipinaabot ni Princess Lou Lauigan ang Public Relations Officer ng SM Tuguegarao Downtown na kalatas sa RMN Cauayan ang ginawa ng dalawang guardiya na kabutihang asal ay sadyang kahanga hanga.