Ina ng sanggol na itinapon sa isang irigasyon sa Iloilo, posibleng makasuhan

Itinapon ng isang ina ang kanyang sanggol sa irigasyon sa barangay Agsalanan Dingle, Iloilo.

Ayon kay Dingle Municipal Police Chief, Senior Insp. Samuel Vipinosa – kapag mapatunayang sinadya ng 39-anyos na ina na patayin ang kanyang anak ay kakasuhan siya ng infanticide.

Isinailalim na sa awtopsiya ang labi ng sanggol para matukoy kung magtutugma sa DNA sample ng ina.


Pinaniniwalaan ding may sakit sa pag-iisip ang ina ng sanggol.

Napag-alaman ding tinangka ng suspek na patayin ang ikalawa nitong anak sa pamamagitan ng pag-flush sa inodoro pero ito’y nailigtas.

Facebook Comments