Ina ni Senator De Lima, hindi pa din alam ang kanyang pagkakakulong

39

Manila, Philippines – Aminado si Senator Leila De Lima na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nasasabi sa kanyang ina na si Norma De Lima na nakakulong siya.

 

Ayon kay De Lima, ang tanging alam ng kanyang ina ay nasa ibang bansa siya para hindi ito lubos na mag-alala.

 

Dagdag pa ng senadora, ang inaalala niya ngayon ay hindi naman kasi sanay ang kanyang ina na nagtatagal siya sa ibang bansa kaya baka nagtatanong na ito sa kanyang mga kapatid.

 

Isa pang iniisip ni De Lima ay baka makadagdag ito sa alalahanin ng kanyang ina at baka makasama sa kanyang kalusugan.

Facebook Comments