Ina sa Camarines Norte Pinagtataga-Patay ang 3 Paslit pang mga Anak, Post-Partum Depression Posibleng may Kinalaman

47

Sa halos hindi maubos maisip na kadahilanan, isang ina ang nagawang pagtatagain hanggang sa mamatay ang kanyang sariling tatlong mga anak na may edad 5, 1 year and 8 months at mag-aapat na buwan pa lamang na sanggol.
Naganap ang insidente kahapon ng umaga sa Barangay Pinagwarasan, bayan ng Basud sa probinsiya ng Camarines Norte.
Ayon sa report ng pulisya, kinilala ang ina na isang Joan Magistrado, edad 28 samantalang napag-alaman naman na ang mga biktimang mga sariling dugo nito nito ay kinilalang sina Mitzuki, edad 5-taong gulang, Zuyen, kulang-kulang magdadawang taong gulang at ang bunsong baby na mag-aapat na buwang gulang pa lamang.
Pinagduduhan na ang nabanggit na ina ay nasa ilalim ng impluwensiya ng tinatawag na post-partum depression na posibleng may kaugnayan kung bakit nagawa niya ang nasabing bagay.
Matapos umanong pagtatagain ng ina ang kanyang 3 mga anak ay tinaga din nito ang kanyang sarili dagdag pa sa report ng PNP Region 5.
Narekober din pulisya ang itak na ginamit sa nasabing kaganapan.
Kaagad naman dinala sa pagamutan ang mga biktima pati na ang nanay na suspect subalit deneklarang wala ng buhay ang mga bata.
Nakaligtas naman sa kamatayan ang nabanggit na nanay at kasalukuyang ginagamot sa ospital.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments