Ina, tinaga ng anak dahil sa ayuda

Patay ang isang ginang matapos pagtatagain ng sariling anak dahil sa perang natanggap mula sa Social Amelioration Program (SAP) sa La Union, nitong Biyernes.

Ayon sa pulisya, tinaga ng 34-anyos na suspek, na kinilala lamang sa pangalang “Tonyo”, ang kanyang 59-anyos na nanay sa kanilang bahay sa Barangay Amlang, Rosario.

Nag-ugat umano ito sa panghihingi ng suspek ng pera mula sa P5,500 na ayuda na nauwi sa pagtatalo nilang mag-ina.


Nang hindi mabigyan, dito na pinagtataga ng suspek ang sariling nanay.

Isinugod pa sa ospital ang ginang, ngunit idineklara ring dead-on-arrival ng mga doktor.

Ayon pa sa awtoridad, wala sa tamang pag-iisip at nakainom pa ang suspek na nahaharap sa kasong parricide.

Facebook Comments