Manila, Philippines – Dedma kay Jericho Rosales ang ilang komento tungkol sa pagsigla ng kanyang career kasabay ng pamamahinga ni John Lloyd Cruz sa showbiz.
Marami kasi ang nakapansin na ang magagandang endorsement at projects sa kanilang TV network ay nahahati na kina Echo at Piolo Pascual.
Pero sa isang interview, sinabi ni Echo na alam niyang maraming fans ang naghihintay kay John Lloyd at isa siya sa mga nag-aabang sa pagbabalik nito sa showbiz.
Sigurado rin aniya ang aktor na pipiliin ni John Lloyd ang “best project” sakaling magbalik na siya.
Bukod sa pagbibidahan niyang teleserye, isa rin sa magagandang blessings sa career ni Echo ang pagkakapili sa kanya bilang isa sa 2018 men who matter ng people Asia magazine.
Facebook Comments