Sa pagdiriwang ng Bangus Festival 2018 isa sa mga inaabangan ang magaganap ang Gilon Gilon ed Baley sa Dagupan City sa ika-20 ng Abril Biyernes na lalahukan ng 31 na barangay at nahahahati sa limang cluster.
Ayon sa City Tourism Office mag-uumpisa ito sa Burgos St. at magtatapos sa Dagupan City Plaza at handa na ang POSO Dagupan at ang PNP Dagupan na mag aasiste sa nasabing kaganapan upang maging ligats ang mga kalahok at ang mga manood. Paalala lamang ng City Tourism sa mga manonood na huwag salubungin ang mga mananayaw at huwag dumaan sa sa kasagsagan ng parada.
Ngayong taon nahahati ang mga barangay sa limang cluster, cluster 1 ay ang barangay Mangin, Tebeng, Salisay,Mamalingling, Bolosan, Tambac, at Bonuan Binloc. Ang cluster 2 naman ay ang Barangay I, II,III, Tapuac ,Barangay IV, Poblacion Oeste at Bonuan Gueset. Cluster 3 ay ang Barangay Pugaro, Calmay, Carael, Pantal, Lomboy, Bonuan Boquig, at Salapingao. Caranglaan , Herrero Perez, Bacayao Sur, Mayombo at Bacayao Norte ang Cluster 4. Pogo Grande, Malued, Pogo Chico, Lasip Chico, Lasip Grande at Lucao ang Cluster 5.
200,000 pesos ang maiuuwi ng cluster na mananalo sa Gilon Gilon Ed baley at mayroon rin special prize sa Best in Costume at Best in Musicality.
*Ulat ni Jerame Laxamana*