INAABANGAN NA LANG | Sandiganbayan, napipinto nang maglabas ng desisyon sa kaso ni dating Sen. Bong Revilla Jr.

Manila, Philippines – Inaabangan na lamang ang ilalabas na desisyon ng Sandiganbayan First Division para sa kasong plunder ni dating Senador Ramon Bong Revilla Jr.

Nabatid na submitted for decision na ang kasong pandarambong ni Revilla noong nakaraang linggo matapos makapagsumite ng kani-kanilang memorandum ang defense at prosecution panels.

Subalit sa ngayon, wala pa namang itinatakdang petsa ang First Division para sa promulgation ng asunto ng dating Senador.


Si Revilla ay nahaharap sa kasong plunder at mga kasong katiwalian dahil sa pork barrel scam kaugnay sa P224 Million na halaga ng pork barrel nito na ipinadaan sa mga NGOs ni pork barrel scam queen Janet Lim Napoles.

Facebook Comments