Inaabangang pagpupulong ng Pangulo ng Amerika at Chi na sa susunod na Linggo – plantsado na

20

Kasado na ang unang pagkikita nina US President Donald Trump at Chinese President Xi Jinping sa susunod na Linggo.

 

Ayon kay Chinese Ministry Spokesman Lu Kang, itinakda sa ABRIL 6 hanggang 7 ang pagkikita ng dalawang world leaders sa Mar-A-Lago Resort sa Palm Beach sa Florida, USA.

 

Kabilang sa pag-uusapan ng dalawang leader ang isyu sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea gayundin ang nuclear weapons at missile programs ng North Korea.



Facebook Comments