Manila, Philippines – Inaalam na sa NBI ni Justice Sec. Menardo Guevarra kung may standing warrant of arrest na hawak ang NBI laban kay Customs intelligence officer Jimmy Guban.
Kasunod ito ng utos ni Pangulong Duterte na dakpin si Guban base sa mga testimonya nito sa pagdinig ng Kamara ukol sa magnetic lifters na may shabu at naipuslit sa bansa
Nilinaw naman ni Guevarra na sakaling walang arrest warrant laban kay Guban, may mga probisyon aniya na nagpapahintulot sa warrantless arrest.
Gayunman, aminado ang kalihim na hindi niya direktang narinig ang mga pahayag ni Guban sa Kamara.
Facebook Comments