INAALAM NA | Paraan ng ISIS sa pagre-recruit, pinag-aaralan ng AFP

Manila, Philippines – Inaalam na ng Armed Forces of the Philippines ang paraan ng pagre-recruit ng Islamic State of Iraq and Syria o ISIS terrorist group sa ilang lugar sa Mindanao.

Ayon kay AFP Spokesperson Brigadier General Bienvenido Datuin matagal na nilang nakumpirma ang pagre-recruit na ginagawa ng teroristang grupo matapos ang naganap na Marawi siege.

Nakatutok aniya ngayon ang AFP sa kung paano mapipigilan ang mga plano pa ng mga terorista na panggugulo sa bansa.


Dahil ayaw na aniya ng AFP na maulit pa ang Marawi Siege kung saang daang daang indbidwal ang nasawi.

Una nang sinabi ni PNP Chief Ronald Dela Rosa na hindi makakaubra sa pagkakataong ito ang mga terorista dahil mahigpit ang kanilang ugnayan sa AFP at iba pang law enforcement agencies upang pigilan ang mga planong panggugulo ng mga terorista sa bansa.

Facebook Comments