Florida – Patuloy na inaalam ng Jacksonville Police Department sa Florida ang tunay na dahilan sa nangyaring mass shooting sa isang live video game tournament sa shopping at dining complex.
Tatlo ang kumpiramadong patay kabilang ang suspek na si David Katz na residente ng Baltimore habang nasa labing isa ang sugatan.
Nabatid na pinagbabaril ni Katz ang dalawang contestant maging ang ilang manonood saka siya nagbaril sa sarili.
Ayon kay Jacksonville Sherriff Mike Williams, nakipag-ugnayan sila sa Federal Bureau of Investigation upang manguna sila sa pag-iimbestiga sa bahay ng suspek na dating nag-kampen sa nasabing tournament.
Maging si Florida Governor Rick Scott ay nagpa-abot na din ng simpatiya sa mga nasawi at binigyan na din niya ng tulong kung ano man ang kakailanganin ng pulisya.
Sinabi naman ng White House na kasalukuyang nakamonitor na din sa insidente si US President Donald Trump.