Problema ng ilang residente sa Brgy. Salapingao, sa Dagupan City ang mga inaanod at naiiwang mga basura sa pampang ng mga kailugan dito.
Ayon sa mga nakapanayam ng IFM Dagupan na magkapatid na pawang residente ng nasabing barangay, dati raw ay hindi gaano marami ang mga basurang nasa kailugan dahilan ang tuloy tuloy na pangunguha ng mga basura sa mga kabahayan.
Bagamat sa mga nagdaang araw ay naiipon umano ang mga basura kaya siguro naitatapon na ng ibang residente ang mga ito sa ilog.
Hindi raw umano masyadong nasusunod nagyon ang dating lingguhang pangongolekta ng basura sa mga kabahayan.
Samantala, may mangilan ngilan din sa mga residente rito ang nag boboluntaryong linisan ang pampang ng ilog na nakikitaan ng maraming basura. |ifmnews
Facebook Comments