INAANTALA? | Dating Sen. Bongbong Marcos, ikinadismaya umano ang panggigipit ng Korte Suprema sa kanyang kaso laban kay VP Leni Robredo

Manila, Philippines – Dismayado si dating Senador Bongbong Marcos sa mga desisyon ng Korte Suprema dahil halatang halata umano na talagang na ang kanilang estratehiya ay inaantala ang kanyang kaso laban kay Vice President Leni Robredo sa mga nakaraang Vice Presidential election.

Sa ginanap ng Presscon sa kapihan sa Manila Bay sinabi ni Marcos na hindi na patas ang pagtrato ng Supreme Court sa kanya dahil simula pa umano ng bayaran ay pinabayaran agad sila ng 36 milyon piso na in cash noong good Friday.

Paliwanag ni Marcos na hindi biro ang makapag produce ng 36 million pesos kahit na umano isang bilyonaryo ay hindi kayang agad makakuha ng ganung kalaking halaga dahil sa batas umano kapag hindi nakapagbayad ay dissmiss na kaagad ang kaso pero sa kaso ng kampo ni Vice President Leni Robredo hindi sila nakapagbayad dinefer lang agad at hindi binasura ang kaso.


Dagdag pa ng dating Senador na bukod sa pagbabayad ng 36 na milyong piso ay pinag-produce sila ng 8-libong testigo sa loob ng limang araw pero agad naman silang nakakuha ng mga testigo sa halip ituloy ang pagtalakay ay isinantabi lamang ng Supreme Court ang kaso.

Facebook Comments