INAANTAY | Sertipikasyon sa BBL bilang urgent bill, inaantabayanan na ng liderato ng Senado

Manila, Philippines – Inaatabayanan na ni Senate President Tito Sotto III ang sertipikasyon ng malakanyang na urgent bill ang panukalang Bangsamoro Basic Law o BBL.

Ito ay sa kabila ng pahayag kanina ni Presidential Spokesman Harry Roque na posibleng hindi na sertipikahang urgent ng palasyo ang BBL dahil sa malaking pagkakaiba sa bersyon dito ng Kamara at Senado.

Pero ayon kay Sotto, sinabi sa kanya ngayon ni Executive Secretary Salvador Medialdea, na parating dito sa Senado na anumang oras ang nabanggit na certification para maihabol nilang maipasa ang proposed BBL hanggang bukas bago ang sine die adjourment.


Ayon kay Sotto, paplantsahin ang pagkakaiba ng bersyon ng Senado at Kamara sa bicameral conference committee na isasagawa habang naka-recess ang session.

Dagdag pa ni Sotto, target nilang maratipikahan ang proposed BBL sa sa pagbubukas ng session sa July 23 bago ang State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments