INAASAHAN NA | Foreign Secretary Alan Peter Cayetano, inaming hindi lamang China ang nagtatayo ng pasilidad sa South China sea

Manila, Philippines – Inamin ngayon ni Foreign Secretary Alan Peter Cayetano na hindi lamang ang bansang China ang siyang nagtatayo ng pasilidad sa pinag-aagawang teritoryo sa South China sea.

Ayon kay Cayetano, inaasahan na nilang magsasagawa ng aktibidad sa South China sea ang iba pang bansa sa oras na pag-usapan ang proposed Code of Conduct (COC).

Sinabi pa ni Cayetano, na hindi isusuko ng pilipinas ang anumang bahagi ng teritoryo ng bansa.


Matatandaan na kinumpirma ng Center for Strategic and International Studies (CSIS) at Asia Maritime Transparency Initiative (AMTI) na patuloy pa rin ang paglalagay ng hig-frequency radar at iba pang pasilidad ang China na posibleng gamitin para sa military purposes.

Facebook Comments