Manila, Philippines – Inaasahan na ng kampo ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno na mas titindi pa ang paninira sa punong mahistrado.
Ayon kay Atty. Jojo Lacanilao, tagapagsalita ni Sereno, mas lalala pa ang paninira laban sa punong mahistrado para pagtakpan ang mga depekto sa kasong impeachment laban dito.
Aniya, kung may malakas talagang kaso laban kay Sereno ay dapat matagal na itong iniakyat sa senado para sa paglilitis.
Giit pa ni Lacanilao, wala ni isa sa mga ibinibintang kay Sereno ang napatunayan sa mga ginawang pagdinig sa kamara.
Maging ang mga testimonya aniya ng ibang mahistrado ay hindi sapat para patunayang may ginawa si Sereno para matanggal siya sa pwesto.
Ipagpapatuloy ng kamara ang pagdinig laban kay Sereno sa Lunes, Enero a-kinse.