Manila, Philippines – Inaasahang bababa na ang presyo ng bigas sa bansa sa loob ng dalawa hanggang apat na linggo.
Ito ay dahil sa pagpapalabas ng dagdag na supply ng bigas sa merkado.
Ayon sa National Food Authority (NFA), hinihintay na lamang nila ang may 250,000 metrikong toneladang bigas na magdaragdag sa imbak na bigas na nasa bodega ng NFA.
Dahil dito, ang presyo ng commercial rice ay bababa sa 37 hanggang 39 peso kada kilo mula sa kasalukuyang presyo na ₱40-₱42 per kilo.
Facebook Comments