Manila, Philippines – Inaasahan na malaking halaga ang babalikatin ng Social Security System sa sandaling maisabatas na ang 100 days maternity leave na nakalusot na sa ikalawang pagbasa sa Kamara.
Ayon kay SSS President and CEO Emmanuel Dooc, aabot ng apat na bilyong piso ang madadagdag sa gastusin ng sss kada taon.
Dahil dito umapela si Atty. Dooc sa Kongreso na tukuyin kung saan pondo huhugutin ang apat na bilyon piso para sa ibabayad sa 40 araw na idadagdag sa kasalukuyang 60 days maternity leave.
Dahil hindi naman humihingi ng subsidiya ang SSS para sa karagdagan gastusin, iginiit atty. Dooc na pagbigyan ang kanilang apela na taasan ang contribution ng kanilang mga miyembro.
Facebook Comments