Aabot sa ₱9.4 billion ang inaasahang dagdag sa halaga ng economic activity ngayong ibinaba na sa pinakamababang alert level status ang Metro Manila at ilan pang lugar sa bansa.
Ayon kay acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles, umaasa siyang dahil dito ay bababa na ang bilang ng mga pilipinong walang trabaho lalo na kung magpapatuloy ang Alert Level 1 sa mga susunod na buwan.
Kaugnay niyan, sinabi naman ni OCTA Research Fellow Dr. Guido David na napapanahon na talagang ibaba sa Alert Level 1 ang NCR upang hindi masyadong maapektuhan ang ekonomiya ng bansa dahil sa sigalot sa pagitan ng Russia at Urkaine.
Sa ngayon din aniya ay mababa na ang mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa bansa at tumataas pa ang bilang ng mga nababakunahan.
Sa ilalim ng Alert Level 1, kinakailangan pa ring magsuot ng face masks pero full capacity na ang mga establisyimento.