Inaasahang Flash flood sa Roxas, Isabela, Humupa Na!

*Roxas, Isabela- *Humupa na ang inaasahang flashflood sa bayan ng Roxas, Isabela makaraang magkaroon ng pagbabanta na posibleng pagtaas ng Siffu River.

Ito ang kinumpirma ni brgy Kagawad Amorsolo Soriano ng Rizal, Roxas, Isabela sa RMN Cauayan kung saan pinaghandaan parin ng kanilang lugar ang nasabing paalala sa pangunguna ng kanilang Kapitan upang mapaghandaan ang umano’y posibleng pagbaha sa naturang lugar.

Ayon pa kay brgy kag. Amorsolo, inihayag nito na isa umano sa dahilan ng tuluyang pagkaputol ng Siffu Bridge ay sa pagkaanod ng mga kahoy mula sa mga karatig bayan.


Kasalukuyan pa rin sa ngayon ang rehabilitasyon sa nasirang tulay at inaasahang matapos sa December 20, 2018.

Kaugnay nito ay pansamanta munang sumasakay sa bangka ang ilang residente ng nasabing bayan.

Facebook Comments