Inaasahang pagdating ng Astrazeneca vaccine sa Pilipinas, hindi matutuloy

Hindi matutuloy ang inaasahang pagdating sa bansa ng Astrazeneca vaccines bukas.

Ito ang kinumpirma ni Health Secretary Francisco Duque III.

Sa isang panayam, sinabi ng kalihim na isang linggong maaantala ang pagdating ng mga bakuna ng Astrazeneca dahil sa problema sa suplay.


Sabi ng WHO, nagkakaproblema sila sa supply so maaantala raw ng mga isang linggo. Although kinumpirma nila kahapon na darating bukas ng 12:50 pero kanina tumanggap kami ng komunikasyon na nagsasabing hindi raw matutuloy,” saad ni Duque.

Nasa 525,600 doses ng Astrazeneca vaccines ang dapat sana ay darating sa bansa bukas mula sa COVAX facility.

Ayon naman kay National Task Force Against COVID-19 chief implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr., pinag-aagawan kasi ang Astrazeneca at iba pang brand ng bakuna sa Europa at iba pang developing countries.

Sa kabila nito, sinabi ni Galvez na nauunawaan nila ang sitwasyon at makakapaghintay naman ang bansa para sa pagdating ng mga bakuna ng Astrazeneca.

Facebook Comments