Inaasahang pagtaas ng bilang ng mga walang trabaho, ipinaliwanag ng NEDA sa Kamara

Sa pagharap sa budget briefing ng House Committee on Appropriations ay ipinaliwanag ni National Economic and Development Authority o NEDA Secretary Arsenio Balisacan ang inilahad nilang pagtaya na tataas ang antas ng kawalan ng trabaho sa 2023.

Ayon kay Balisacan, malaking porsyento ng ating populasyon sa susunod na taon ay mapapabilang sa labor force dahil sa pagtatapos ng mga estudyante ng K to 12 program.

Tugon ito ni Balisacan sa tanong ni Deputy Speaker Ralph Recto kung bakit sa kabila ng inaasahang 7% na paglago sa ekonomiya sa 2023 ay tataas ang bilang ng mga walang trabaho.


Diin ni Balisacan, ang paglago ng ekonomiya ay lilikha ng mas maraming trabaho pero hindi ito sasapat dahil sa dami ng mga magsisipagtapos na mag-aaral at sasali sa labor force.

Facebook Comments