Manila, Philippines – Inaasahan ang pagtaas ng cash transfers sa bansa mula sa mga Filipino seafarers kasabay ng paglobo ng bilang ng mga kinukuhang Overseas Filipino Sailors.
Ayon kay ACTS-OFW Rep. Aniceto Bertiz, posibleng tumaas sa $6 Billion ang halaga ng ipinapadalang pera ng mga Filipino seafarers dahil na rin sa pagtaas ng demand ng mga kinukuhang Pinoy para magtrabaho sa mga foreign ocean-gooing vessels kasama na dito ang mga cruise ships at floating casinos.
Aniya, hindi malabo ang $6 Billion cash remittance mula sa mga Filipino sailors dahil na rin sa patuloy na paglawak ng global economy.
Sa kada $100 na personal cash remittance na natatanggap ng bansa sa mga OFWs, $20 dito ay galing sa padala ng mga Filipino sailors.
Kaugnay pa dito, batay sa record ng Bangko Sentral ng Pilipinas, mula Enero hanggang Abril ng taong kasalukuyan, aabot na sa $1.934 Billion ang naipadalang pera ng mga Filipino sailors sa kanilang mga pamilya sa Pilipinas.