MANILA – Ayon kay Pagasa Climatologist Anna Solis – posibleng tumaas ang temperatura sa malaking bahagi ng bansa kasama na ang Metro Manila kung saan tinatayang aabot hanggang 37 degrees celcuis ang maximum temperature.Sa unang bahagi anya ng Marso, inaasahang magsisimula na ang tag-init at wala ring bagyo na mabubuo ngayong buwan.Ayon pa sa Pagasa, ang 2016 ay maaring isa sa pinakamainit na taon sa kasalukuyan…Samantala… Ilang estudyante na sa Saranggani Province ang tumigil sa pag-aaral…Ayon sa Guidance Counselor ng Pagasa Integrated School, ngayong Pebrero, umabot na sa dalawampung estudyante ang nagdrop-out.Sa ginawang home visitation ng mga guro, lumalabas na nakakaranas ng matinding gutom ang mga mag-aaral dahil sa matinding tagtuyot.Sa kabundukan ng Saranggani, kadalasang nakatira ang mga estudyante pero dahil sa matinding init ay hindi na nakakapagtanim ang kanilang mga magulang.
Inaasahang Tatagal Hanggang Sa Mayo Ang Mas Mainit Na Panahon Dahil Sa Epekto Ng El Niño
Facebook Comments