INAAYOS NA | Pagpapauwi sa tatlong diplomat sa Kuwait na may kasong kidnapping, inaasikaso na

Manila, Philippines – Inihayag ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na patuloy ang kanilang pakikipagusap ngayon sa Kuwait Ministry of Interior para makauwi ang tatlong diplomat ng Pilipinas doon na kinasuhan ng Kidnapping ng Kuwaiti Authorities.

Ang kaso ay dahil sa ginawa ng embahada ng Pilipinas sa Kuwait na rescue operations ng mga distressed OFWs sa kuwait.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, tuloy tuloy ang pakikipagugnayan ng Philippine Delegation sa Ministry of interior ng Kuwait para makauwi na ang tatlong diplomat na mayroong kinakaharap na kaso.


Sinabi ni Roque na base sa kanilang mga paguusap ay mayroong magandang balita na mailalabas sa mga susunod na araw kaugnay sa nasabing kaso.
Pabiro pang sinabi ni Roque kay Labor Secretary Silvestre Bello III na hindi sila uuwi dito sa bansa kung hindi nila makakasama ang tatlong diplomat.

Inaasahan na sa May 11 pa makakauwi sa bansa ang mga opisyal na ipinadala ni Pangulong Duterte sa Kuwait partikular sina Roque, Bello, dating Labor Secretary Marianito Roque, at Labor Attache Rustico Dela Fuente.

Matatandaan na sinbi ni Roque na bukas ay lalagdaan na ang isang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait na siyang magaalaga sa kapakanan ng mga OFWs doon.

Facebook Comments