INAAYOS PA | DOLE, inamin wala pang trabaho na nag aantay sa mga OFW na nairepatriate mula sa bansang Kuwait.

27

Manila, Philippines — Aminado ang pamunuan ng Department Of Labor and Employment na wala pang trabaho na maibibigay ang ahensiya sa mga OFW mula sa Kuwait.

Ayon kay Labor Undersecretary Jacinto Jing Paras, nakiusap na siya sa mga opisyal ng Poland at iba pang mga bansa na nangangailangan din ng mga trabahador na ikonsidera ang mga OFW mula sa Kuwait na mabigyan ng trabaho sa kanilang bansa.

Paliwanag ni Paras, gumagawa ng paraan ang gobyerno ng Pilipinas upang maibalik ang magandang samahan sa pagitan ng Kuwaiti Government at Pilipinas.

Giit ng opisyal, nasaktan lamang ang pangulo noon dahil sa pagmaltrato ng mga OFW sa Kuwait lalo na ang pagkamatay ni Joana Demafelis, kaya nagdeklara ang gobyerno ng ban sa deployment sa naturang bansa.

Facebook Comments